Photo 27 Apr Ehem. Ehem. I’m with whom?=D

Ehem. Ehem. I’m with whom?=D

Text 27 Apr Why we are not created immortal, and why we should be thankful for it

We already know that everyone will die, sooner or later. We sometimes wish we don’t die, because we are not yet satisfied with the life we had. But have you ever thought why men are not created by God as immortals? Or what would life be if we are immortal? Let me tell you some of my thoughts about it:

What would life be if men are immortal:

  1. There are no medicines because we would not get sick.
  2. There are no police. They are unnecessary. You cannot do harm to anyone, whatever you do.
  3. There are no safety reminders and safety devices. We don’t need it.
  4. You will not say to your loved ones “Take care!” because care is not necessary.
  5. There are no basic necessities. You don’t need them to live.
  6. The earth would have been full of people now. Most probably, you personally know Adam and Eve.
  7. No one will follow anyone’s orders or commands because no one can threaten anyone of any consequences of not following orders. Remember, we cannot harm anyone. In short, men would only follow himself.
  8. There are no mournings and sadness because no bad thing is going to happen. No one would die.
  9. Nobody would work because we don’t need it for a “living”. Therefore, money is non-existent.
  10. Everybody will move slowly. No one needs to move quickly. Everybody have all the time in the world.
  11. There are no suspense movies because no one will die. (Imagine watching Titanic without people drowning)
  12. Because money is non-existent, there are no robberies.
  13. People will only live for themselves. Everyone is selfish. People does not need anyone in order to live. 

Why then are we not created immortal?

  1. We are not created immortal because we are not gods - obviously, only God is immortal.
  2. We are not created immortal because we would be powerless. When we have power, we have control over somebody or something. We only gain control over somebody or something if their life or existence depends on us. Therefore, immortal = powerless.
  3. We are not created immortal because life would be meaningless. We could not experience any enjoyment in anything we do. Why? We only enjoy doing something if we know that we only have limited chances of doing it. We have no sense of purpose. God wants us to enjoy the life he gave us.
  4. We are not created immortal because we would not fear God, our creator. We only fear our creator because we will die eventually, and our after-life destination depends on our fear with God.

Therefore, be thankful to God you can die because he created death for our own sake. He wants us to enjoy our lives. Just think of the life you would experience if you couldn’t die. I bet you’d wish you could die

Link 26 Apr Sony Ericsson Xperia Arc»

Gusto ko nito!!

Photo 23 Apr Now showing on AXN

Now showing on AXN

Audio 23 Apr

I have a last song syndrome on this song since yesterday

Played 0 times.
Audio 31 Jan

My all-time favorite song. I think nothing will ever replace this.

Played 0 times.
Text 31 Jan 1 note Mga Batas sa Pagpapakuha ng Picture (sampol na artikulo. panimula)

Sa pagsikat ng computers, lahat na lang digital. Controllers, TVs, cellphones, at kung ano-ano pa. Isa na dito ang pagsikat ng digital cameras. Dati, ang mga camera, 36 shots lang. Mahalaga ang bawat pagkuha. Mahal ang film. Dapat may talent ka talaga sa pagkuha ng picture. Ngayon, dahil digital na ang mga camera, basta may pera ka, photographer ka na. Kahit pangit ang shot mo, burahin mo lang at kumuha ulit ng picture. Sa 10 shots na gagawin mo, sigurado makakakuha ng isang magandang picture. Pero saka ko na ieelaborate ng husto ang tungkol diyan. Ang article na ito ay tungkol sa pagpapakuha ng picture. Abangan ang blog ko na “Hindi Dahil May DSLR Ka, Photographer Ka Na”.

Dahil sa Facebook, hindi na mawawala sa memory mo ang bawat mahalagang sandali sa buhay mo, maliban na lang kung mag-crash ang buong internet o magunaw na ang mundo (sabagay, pareho lang kasi kapag nag-crash ang internet, ibig sabihin gunaw na ang mundo). Maya’t-maya ang makikita mong ipinopost na pictures. Magugulat ka na lang na bigla ka nai-tag sa isang picture na feeling mo e pinakapangit mong kuha. Ang ganitong kaugalian ay makikita kadalasan sa babae. Kung hindi ka babae pero mahilig ka sa picture, either narcissist ka o bakla ka. Mga babae lang dapat ang mahilig magpapicture. O, bigla ka nainis? Malamang isa kang bakla na nagbabasa nito.

At dahil nga dumadami ang paraan para maitago ang bawat sandali ng iyong buhay, dapat ay lagi kang maayos sa picture. Subukan mo lang magpakapangit at pagsisisihan mo ito habang nag-eexist ang picture o habang ikaw ay nabubuhay, ano man sa dalawa ang unang matapos. Bawat kuha ng picture, maganda man o pangit, ay nakatatak na sa kasaysayan (at sa Facebook). Kung natural kang maganda, wala kang problema sa mga picture. Katulad na lamang nina Georgina Wilson, Lucy Torres at Kristine Hermosa. Kahit anong anggulo yata ay maganda sila kaya wala silang problema kahit magpapicture kahit saan, kahit kailan. Pero kung paano kung natural kang pangit? O hindi ka nga pangit, sadyang hindi ka photogenic? Paano kung bawat picture mo e mukhang wacky shot kahit hindi naman talaga? Paano kung hindi mo maipagyabang ang graduation picture mo dahil mukha kang bumagsak sa board exams? Iiyak ka na lang ba at isusumpa ang pagkakaimbento ng camera? Hanggang pangarap na lang ba ang magandang kuha?

May mga remediyo diyan. Kung ikaw ay ang taong katulad ng nabanggit ko, malaking tulong ito sa iyo:

  1. Humanap ng magandang background, tapos magpakuha sa malayo, para mas mapansin ang background.
  2. Tumalikod, kunwari  nagagandahan ka sa environment mo.
  3. Laging gabi magpakuha ng picture. Ang kadiliman ay nakakabawas ng malaki ng kapangitan.
  4. Pilitin ang mga kasama na magpaka-wacky sa picture.
  5. Mag-shades.
  6. Pababain ang standards. Magsama ng mas pangit.
  7. Magpakuha ng at least sampung picture sa iisang scene. Siguradong may makukuha ka kahit isang maganda.
  8. Kung sexy, pumunta lagi sa beach at magpakuha ng nakabikini. Malamang mas mapapansin ang katawan mo kaysa mukha
  9. Hanapin ang pinakamagandang anggulo at ito ang laging gamitin sa pagpapakuha ng picture.
  10. Mag-ayos ng pinakamalupit na bangs para mabawasan ang nakikitang mukha
  11. Cellphone camera ang gamitin para hindi masyado detailed
  12. Pagkatapos gawin lahat ng nabanggit, iphotoshop
  13. Kung pangit pa rin, mag-feeling maganda na lang. Minsan, nadadala sa naguumapaw na self-confidence ang kagandahan. Maghanda lamang sa pag-ulan ng panlalait at batikos

Lahat ng nabanggit ay paraan para gumanda sa picture. Hindi ka naman siguro bakulaw para hindi gumanda pagkatapos gawin lahat ng iyan. Huwag ka mag-alala. pangit ka man, siguradong may mas pangit pa sa iyo.

Lahat ay ipinanganak na maganda. Pero lawakan ang pag-iisip. Hindi iyan sa hitsura lang. May ipinanganak na maganda ang ugali. Maganda ang disposisyon sa buhay. Pero kung hitsura ang pag-uusapan, hindi lahat ipinanganak na maganda. Iyan ang katotohanan. May ipinanganak na mahirap lang pero maganda. May ipinanganak din na mayaman pero hindi maganda. Sabi nga nila, kung mayaman ka na at hindi ka pa gumanda, kasalanan mo na iyon.

Bakit ko ginawa ang article na ito? Dahil ba napakagwapo ko? Dahil ba nilikha akong perpekto? Hindi. Ginawa ko ang article na ito dahil ako ay may mata, utak, pag-iisip, computer at Tumblr account. Sinasabi ko lang ang nakikita ko. Ako man ay pangit, hindi ibig sabihin ay bulag na ako para hindi makita at magkaroon ng opinyon sa mga nakikita ko sa paligid ko.

Photo 30 Jan 238 notes marvelous:

DAY 28: Quattromondial

marvelous:

DAY 28: Quattromondial

Text 30 Jan Bakit ko ginawa ang blog na ito?

January 30, 2011, 12:23 ng madaling araw. Marami ako pwedeng gawin. Pwede ako mag-Facebook, mag-Twitter, manood ng YouTube videos, panoorin ang top 10 NBA plays sa nakaraang games, kumain, manood ng T.V., magtiklop ng damit sa makalat kong kwarto, ayusin ang water system namin dahil parang may tagas, mangarap na yumaman, piliting makatulog, isipin ang problema ng bansang Pilipinas, mag-miss call kung kani-kanino, tumambling, i-search si Georgina Wilson, mag-goodnight sa mommy ko. Pero mas pinili ko gumawa ng walang kwentang post na ito. Bakit nga ba?

Marami na kong kaibigan na may Tumblr. Iniisip ko kung ano ba ang purpose ng isang blog site. Nahihiya naman ako magtanong kasi baka isipin nila aasarin ko sila o babatikusin. Kaya heto, sinubukan ko. Pinili kong hindi gawin ang aking mga unang nabanggit at gumawa ng account para malaman kung ano nilalaman ng Tumblr na ito. Wala namang kwenta. Ito lang ang kinalabasan. Isang walang kwentang post tungkol lang sa pagpapaliwanag ko kung bakit ako gumawa ng Tumblr account. Wala bang kwenta? Madali lang naman pintudin ang exit button sa web explorer mo. Huwag mo na ituloy ang pagbabasa.

Sa iyong nabasang dalawang naunang talata, malamang may hinuha ka na kung ano-ano ang mababasa mo sa blog ko na ito. Malamang ito ang mga salitang unang papasok sa isip mo pagkatapos ng dalawang segundo matapos ng pagbabasa mo nito “WALANG KWENTA”.

Kaya huwag ka nang umasang may mababasa kang makabuluhan sa mga susunod kong ippost. Kapag itinuloy mo ang pagbabasa ng mga susunod kong blog, naguubos ka lang ng oras, kasi kahit ako nag-uubos lang sigurado ng oras habang ginagawa ang blog na mababasa mo.

Yun lang. Nawa’y hindi mo na basahin ang mga blog ko. Mas maraming makabuluhang bagay na gawin kaysa doon. Basahin mo ang mga gawaing sinabi ko sa unang talata. Pwede mo gawin ang isa o higit pa sa mga iyon kaysa basahin ang blog ko.

Tumingin ka sa oras. Ilang minuto mo binasa ang post na ito? Yan ang dahilan ng paggawa ko ng post na ito. Ubusin ang oras natin pareho

Text 29 Jan Initial (nonsense) post

This is MidYearBonus signing in. Prepare for a barrage of nonsense articles


Design crafted by Prashanth Kamalakanthan. Powered by Tumblr.